Itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na isa na namang Pinoy ang nahatulang mamatay sa bitay sa Indonesia dahil sa drug smuggling.
Ayon sa DFA, tanging si Mary Jane Veloso ang Pilipino na mayroong hatol na kamatayan sa Indonesia at nakakulong siya sa Yogyakarta at hindi sa Semarang.
Kinumpirma ng DFA na mayroong Pilipinong sangkot sa drugs ang nakakulong sa Semarang subalit habang buhay na pagkabilanggo ang sentensya dito at hindi kamatayan.
Matatandaan na nakasalang nang mamatay sa bitay si Veloso noong 2015 subalit pinigil ito ni Indonesian President Joko Widodo matapos na umapela sa kanya ang noo’y Pangulong Noynoy Aquino.
Mag-aapat na tao na ring nakakulong sa Indonesia si Veloso at umaasa ang kanyang pamilya na tuluyan nang iuurong ng Indonesian government ang parusang bitay laban dito.
Kasalukuyan pa ring dinidinig sa Pilipinas ang kaso laban sa mga nag-recruit kay Veloso patungo ng Indonesia na sinasabing nasa likod ng illegal drugs na nakita sa maleta nito.
—-