Kinondena ng Pilipinas ang nangyaring pagpapasabog at suicide attack sa tatlong simbahan sa Indonesia.
Sa ipinalabas na pahayag ni Foreign Affairs Secretery Alan Peter Cayetano, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang kalihim sa mga kaanak ng nasawi sa pagpapasabog ng mga simbahan sa Surabaya.
Kasabay nito, tiniyak ng kagawaran na walang Pilipino ang nadamay o nasaktan sa nangyaring pagpapasabog.
Batay sa tala ng East Java Police, umabot sa 9 katao ang nasawi habang nasa 12 ang sugatan sa nangyaring pagpapasabog at suicide attack sa ilang simbahan sa Surabaya, Indonesia.