Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang naiulat na Pilipinong nadamay sa pamamaril sa isang gay bar sa Florida, US.
Gayunpaman, sinabi ni DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose na patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Orlando, Florida maging sa Filipino Community roon.
Mayroong 120,000 Pilipino ang naninirahan sa Florida.
Higit 50 tao ang namatay at higit 50 iba pa ang sugatan nang pagbabarilin ng 29 na taong gulang na si Omar Mateen ang mga parokyano ng Pulse Orlando Nightclub.
Sa pahayag ni US President Barack Obama, kinondena nya ang nasabing pamamaril na tinaguriang pinakamatinding mass shooting sa kasaysayan ng Amerika.
By: Avee Devierte