Buhay pa ang nasa labing pitong Pilipinong hinostage ng rebeldeng Houthi sa Red Sea.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.
Ayon kay Undersecretary de Vega, ginagawa ng ahensya ang lahat para malaman ang sitwasyon ng mga Pilipinong binihag ng mga rebelde.
Nauna nang iniulat ng opisyal na kabilang ang ibang dayuhan sa hostage ng grupo. – sa panulat ni Charles Laureta