Kinondena ng Pilipinas ang panibagong terrorist attack malapit sa Parsons Green Station sa Southwest London na ikinasugat ng 29 katao.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kaisa ang ating pamahalaan sa Britanya na naghahangad na makamtan agad ng mga biktima ang hustisya sa kanilang sinapit.
Samantala, kinumpirma ng Philippine Embassy sa London na walang Pinoy na nadamay sa pag-atake.
Ayon kay Ambassador to London Antonio Lagdameo, patuloy pa rin nilang mino-monitor ang sitwasyon.
Sinasabing halos 200,000 Pinoy ang kasalukuyang naninirahan sa United Kingdom kung saan pitumpung porsiyento rito ay residente ng Greater London area.
SMW: RPE