Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring 5.3 magnitude na lindol kahapon sa northern island ng Hokkaido, Japan.
Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel, patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Tokyo ang sitwasyon sa pinangyarihan ng pagyanig.
Maaalalang noong nakalipas na buwan, tinamaan rin ng 6.7 magnitude na lindol ang Hokkaido.
Tinatayang aabot naman sa 1,800 na mga Pilipino ang nananatili sa naturang isla.