Nakikipag- ugnayan na ang DFA o Department of Foreign Affairs sa mga otoridad sa Libya para mapalaya ang tatlong Pinoy na dinukot duon.
Una rito, kinumpirma ng DFA na tatlo sa apat na nasa kumalat na video, ay pawang mga Filipino “technicians” na humihingi ng tulong matapos dukutin ng mga armadong lalaki nuong nakaraang buwan.
Ayon kay Chargé d’ Affaires Mardomel Melicor, pinasok ng mga kidnapper ang construction site at dinukot ang limang banyaga kabilang ang tatlong Pinoy at apat na Libyans.
Tiniyak naman ni Foreign Affairs Spokesman Elmer Cato, ginagawa na ng gobyerno ang lahat para ligtas na mapalaya ang mga naturang Filipino workers sa Libya.