Kumpiyansa pa rin ang Department of Foreign Affairs na papabor sa Pilipinas ang pasya ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands
Kasunod ito ng isinampang reklamo ng Pilipinas laban sa China hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea
Ayon kay DFA Spokesman Asst/Sec. Charles Jose, humingi lamang ng paglilinaw ang Pilipinas hinggil sa Maritime Entitlement sa mga Coastal States at naka-angkla sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea ang claim ng Pilipinas
Gayunman, tumanggi si Jose na idetalye pa ang magiging hakbang ng Pilipinas pabor man o hindi ang magiging hatol ng nasabing hukuman
By: Jaymark Dagala