Nagpadala na ng liham ang Department of Foreign Affairs sa Chinese Embassy matapos ang ulat na may namataang Chinese Ships sa Benham Rise.
Pinagpapaliwanag ng DFA sa embahada sa panghihimasok ng isa sa mga barko ng Tsina sa territorial waters ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, nakababahala ang paglalayag ng Chinese Survey Ships sa Benham Rise na ini-award ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf noong April 2012.
Magugunitang tinimbrehan ng Department of National Defense ang DFA hinggil sa panghihimasok ng mga nabanggit na barko silangang bahagi ng Pilipinas malapit sa Pacific Ocean na napakalayo naman sa mga isla sa West Philippine Sea.
By: Drew Nacino