Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapaabot sila ng tulong sa mga Filipino crewmen ng isang barko na nahuli ng Iranian authorities dahil sa umano’y ilegal fuel smuggling.
Batay sa ibinigay na report ni Philippine Ambassador to Iran Wilfredo Santos sa DFA, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Coast Guard Authorities.
Binabatayan din anila ang kalagayan ng mga pinoy seafarers at nakahanda sa pagbibigay ng tulong.
Una nang naiulat ang pag aresto ng Iranian authorities sa mga crew ng isang barko, kabilang ang 12 na pinoy, dahil sa umano’y iligal na pag pupuslit ng tinatayang nasa 284,000 litro ng diesel.