Magsasagawa ng isang job fair ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga pinauwing OFW’s mula Saudi Arabia.
Ayon sa inilabas na pahayag ng ahensiya, nasa 16 na recruitment agencies ang makikilahok sa job fair.
Kasama na ang ilang mga accredited na kumpanya ng Department of Trade and Industries (DTI).
Gaganapin ang job fair bukas, Oktubre 25 mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Apolinario Mabini hall sa DFA building sa Pasay City.