Nakatakdang makipagpulong sa Lunes, Enero 23, ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ambassador ng Kuwait sa Pilipinas.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, ito ay para talakayin ang mga kaso ng pang-aabusong nararanasan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.
Umaasa si Cayetano na magiging maganda ang tugon dito ng ambassador ng Kuwait at masimulan na ang pag-aksyon.
Nanindigan si Cayetano na kailangan protektahan ng pamahalaan ang mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat.
Una dito, naalarma ang Pangulong Rodrigo Duterte sa maraming kaso ng mga pang-aabuso sa Pilipinang nagtatrabaho sa Kuwait.