Kinumpirma ng DFA o Department of Foreign Affairs na maayos ang kalagayan ni Mary Jane Veloso na kasalukuyang nakakulong sa Yogyakarta Indonesia dahil sa pagpupuslit umano ng droga.
Kaugnay nito, sinabi ni DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose na matibay pa rin ang pinanghahawakan ng Pilipinas na mapababa ang parusa kay Veloso mula sa parusang kamatayan.
Matatandaang nagpunta sa Indonesia noong Hulyo ang delegasyon ng Pilipinas upang mag-update sa progreso ng kaso laban sa mga umano’y illegal recruiters ni Veloso.
By Avee Devierte | Allan Francisco