Dumaan pa rin sa tamang proseso sa oras na mawala na ang Kafala system.
Ito ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino workers (OFW’s) sa Saudi Arabia na gustong umuwi ng bansa.
Paliwanag ni DFA Usec. Sarah Arriola, ang Kafala ay ang tradisyunal na sponsorship system na ipinatutupad sa maraming bansa sa Gitnang Silangan.
Sa ilalim ng sistemang ito, hindi maaaring basta makapagbiyahe o lumabas ng bansa ang isang OFW kung hindi ito papayagan ng kanyang employer kaya’t kalimitang nagreresulta ito sa pahirap sa mga kababayan natin doon, lalo na sa mga household service workers na iniipit ng kanilang mga amo.
Sinasabing mababago na ang sistema pagsapit ng March 2021 kung saan nangako ng assistance ang DFA sa mga OFW’s na gustong umuwi ng bansa.