Nagbabala ang embahada ng Pilipinas sa mga Pilipinong naglalayong makapagtrabaho sa Sarawak sa Malaysia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ay dahil sa mga reklamong maraming Pilipinong ang nabibiktima ng pangakong magandang trabaho na may malaking suweldo ngunit nauwi bilang mga GRO sa mga bar.
Karamihan anila sa nabibiktima ng human trafficking ay mga pinapaalis sa pamamagitan ng tourist visa.
Paalala ng DFA, dumaan sa tamang proseso at kumuha ng lehitimong employment visa bago magtungo sa naturang bansa.
By Rianne Briones | Allan Francisco