Nilinaw ng Department Of Foreign Affairs (DFA) sa ipinatutupad na travel ban ng Saudi Arabia sa mga biyahero dahil sa coronavirus disease COVID-19 scare.
Sinabi ng DFA na ang sakop nang ipinatutupad na temporary travel ban sa mga magtutungo sa Saudi Arabia ay mayroong hawak na Umrah visa at mga may hawak na tourist visa mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 kasama ang Pilipinas.
Subalit ayon sa DFA, ang mga pinoy na may employment visa, may nakatakdang work visit, business visit at family visit sa Saudi Arabia ay papayagan pa ring makapasok sa nasabing bansa.
Sinuspindi na rin ng Saudi Arabia ang pagpapalabas ng visas para sa Umrah ang pagbisita sa Prophet’s Mosque sa medina.
Indefinite din ang suspensyon sa pag iisyu ng tourist visa.
Sakaling magka problema sa kanilang pagtungo sa Saudi Arabia, ang mga Pilipino ay maaaring tumawag sa Philippine Embassy sa Riyadh sa numerong +966-11 482 0507 o sa Philippine Consulate General sa Jeddah sa +966-12 667 0925 at +966-12 669 6303