Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong papasok sa South Korea ukol sa pagbabawal ng pagdadala ng animal o livestock products sa nasabing bansa.
Ayon sa DFA, ito ay alinsunod sa Act on the Prevention of Contagious Animal Disease kasabay ng mga abiso ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng South Korea.
Magmumulta anila ng higit P600,000 ang sinomang mahuhuli o hindi magdedeklara ng pinagbabawal na animal o livestock products.