Walang Pilipinong naapektuhan sa pagbayo ng bagyong Soudelor sa Taiwan.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, Spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA), tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan na ginawa ng MECO o Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan sa pamamagitan ni Ambassador Antonio Basilio.
Una rito, mahigit sa 6 katao ang naitalang nasawi sa Taiwan at libo-libo ang nasiraan ng tahanan matapos manalanta ang bagyong Soudelor, isa sa sinasabing pinakamalakas na bagyong tumama sa Taiwan at maging sa China.
“In constant communication po ang ating representative sa Taiwan at inaabisuhan po ang mga Pilipino doon kung ano ang mga precautions na dapat nilang gawin upang paghandaan ang bagyo, ang estimate ko pagdating po sa mga OFWs mga 100,000 po at may another 60,000 pong Pilipinong married po sa mga Taiwanese.” Pahayag ni Jose.
By Judith Larino | Ratsada Balita