Itinaas na sa alert level 4 ang monitoring ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon sa Iraq.
Ayon kay chargé d’affaires Jomar Sadie ng Philippine Embassy sa Iraq, sa gitna nang namumuong tensyon sa pagitan ng Iran at Amerika ay mandatory repatriation sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq ang ipinag-utos sa kanila ng gobyerno.
Sinabi ni Sadie na kailangan pa ring kumuha ng mga Pilipino ng exit visa mula sa kanilang employers dahil gobyerno ang nag initiate ng repatriation.
Nanawagan si Sadie sa mga Pinoy na walang employer na makipag-ugnayan kaagad sa embahada para matulungan sila gayundin ang mga biktima ng human trafficking.
Handa rin aniya silang makipag-usap sa employers ng mga Pilipino sakaling tumatanggi ang mga itong payagang makabalik ng Pilipinas ang Pinoy workers.