Muling binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat na sundin at galangin ang nakasaad international law at maging sa 2016 arbitral ruling na nagpapawalang bisa sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.
Sa ginanap na 6th bilateral consultation mechanism on the South China Sea na kapwa dinaluhan ng Pilipinas at China, inihayag ng DFA, na naging maayos at maganda ang resulta ng pagpupulong ng dalawang bansa partikular pagdating sa isyu ng WPS.
Sinabi ng ahensya, na natalakay din sa usapang ito ang development sa pagtulong ng China sa mga Filipino fisherman na sakay ng gem-ver vessel na muntik nang lumubog nang banggain ito ng Chinese vessel sa Recto Bank noong June 2019.
Pinangunahan ang Philippine delegation nina foreign affairs acting undersecretary for bilateral relations at ASEAN affairs Elizabeth Buensiceso.
Present din sa pulong ang Chinese assistant foreign minister na si Wu Jianghao.