Ipinag-utos ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang paghahain ng isa pang diplomatic protest kaugnay sa mahigit 200 Chinese vessels na namataang nakakalat sa West Philippine Sea (WPS).
Kasunod na rin ito ng report ng media hinggil sa patuloy na pagtambay ng mga barko ng China sa WPS bagamat wala pang nakukuhang official report mula sa National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS).
Una nang iniulat ng NTF-WPS na anim na barko ng Chinese Navy, kabilang ang tatlong warships, ay namataan ng mga barko ng Pilipinas sa WPS bukod sa dalawa pang navy vessels ng People’s Liberation Army ang nasa Bajo De Masinloc na bahagi ng anito’y ginagawang militarization sa lugar.
Sa 240 Chinese militia, 136 ang nasa Burgos Reef, siyam sa Julian Felipe Reef at Chigua Reef, anim sa Panganiban Reef, tatlo sa Zamora Reef, apat sa Pag-asa Islands, isa sa Likas Island, lima sa Kota Island at 11 sa Ayungin Shoal.
Binigyang diin ng NTF-WPS na nasa 240,000 kilo ng isa ang ilegal na makukuha ng mga nasabing Chinese fishing vessels mula sa katubigang bahagi ng Pilipinas.