Muling naghain ng diplomatic protest Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa Beiijing matapos ang ilang insidente sa Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, kabilang sa mga insidenteng ito ang patuloy na ilegal na pangingisda ng mga Tsino sa ating karagatan, pagbuntot ng mga Chinese coast guard sa bangka ng Pilipinas at paglalagay ng buoys, fish nets na humaharan sa pasukan sa Ayungin Shoal.
Giit ng nasabing ahensya, nabanggit sa 2016 Arbitral Award na ang Ayungin Shoal ay pasok sa Philippine exclusive economic zone.
Anila, walang karapatan ng China na mangisda o mag-monitor o manghimasok sa lehitimong aktibidad na ginagawa ng bansa sa nasabing karagatan.
Nanawagan rin ang gobyerno sa nasabing bansa na sundin ang kanilang obligasyon sa international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang Arbitral Award.