Muling nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Europa na mag-ingat sa heat waves.
Ayon kay DFA Deputy Assistant Secretary Gonar Musor, wala pa namang naiuulat na nasawing Pinoy sa pagtaas ng temperatura sa kontinente.
Kasalukuyang nakakaranas ng heat waves at wildfires ang Europa na nagdudulot naman ng matinding polusyon sa hangin.
Sinabi pa ni Musor na patuloy naman nilang mino-monitor ang kagalayan ng Filipino community sa naturang lugar.