Muling tiniyak ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na tutulungan ng Pilipinas ang mga Rohingya vboat people sa oras na dumating ang mga ito sa bansa.
Ito’y matapos ang pulong sa pagitan ng Pilipinas at iba pang Asian country kaugnay sa mga refugees na stranded sa mga karagatan.
Ikinatuwiran ni Jose, ang naganap noong 1960-70 sa gitna ng Vietnam War kung saan libu-libong Vietnamese refugees ang dumaong sa Palawan.
Magugunitang iprinoseso ng gobyerno ng Pilipinas ang papeles ng mga tinaguriang Viet-cong upang manatili na lamang sa bansa kahit pa nagtapos na ang digmaan sa Vietnam.
By Kevin Reyes / Drew Nacino