Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Saudi Arabia laban sa mga di umano’y nagpapanggap na opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh.
Kinilala ng DFA ang tatlo kataong inireklamo na sina Grace Palaa, Benedict Dayag at Cedrid Fernandez.
Ayon sa DFA, wala ang pangalan ng tatlo sa hanay ng Diplomatic Corps.
Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino na tignan sa website na riyadhpe.dfa.gov.ph kung nakalista ang pangalan ng kanilang katransaksyon na nagpapakilalang opisyal ng embahada.
Sinasabing humihingi ng pera ang tatlo sa mga Pilipino para sa mas mabilis na pagproseso ng pasaporte at repatriation sakaling may reklamo sila sa kanilang mga amo.
By Len Aguirre | Kevyn Reyes