Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na huwag magpatulong sa pagproseso ng appointment sa pagkuha ng pasaporte sa social media.
Ayon sa DFA, nakatanggap sila ng sumbong mula sa ilang passport applicants na nagpa-book ng passport appointment sa tulong ng kahina-kinalang third party o fixer pero mas malaki ang binayaran kumpara sa aktwal na sinisingil ng ahensya.
Kasabay nito, pinayuhan ng DFA ang mga aplikante na gumamit ng sariling email address at phone number upang matanggap ang tamang detalye ng kanilang appointment.
Hinikayat din ang publiko na isumbong ang mga nagpoproseso ng online appointment sa telepono bilang 82343488 upang maberipika ang pagkakakilanlan ng mga ito.