Nagbigay ng pahayag ang DFA o Department of Foreign Affairs hinggil sa umano’y planong pagsasagawa ng konstruksyon ng China sa Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal.
Bahagi ang nasabing lugar ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Nilinaw ni DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose na magri-reclaim ng lupa ang China sa Bajo de Masinloc o sa Scarborough Shoal ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Pero wala naman aniyang aktwal na reclamation na nagaganap sa nasabing area.
Maalalang sinabi ni Lorenzana na sa planong reklamasyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo, layon nitong tiyakin ang kontrol nito sa South China Sea.
By: Avee Devierte / Allan Francisco