Naglunsad ng online passport application system at courtesy lane online appointment system ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay, layon nito na matiyak na masusunod ang lahat ng mga health protocols na ipinatutupad ng Department of Health (DOH).
Sa paraan aniyang ito ay maoobserba ang physical distancing at malilimitahan ang mga magtutungo sa mga opisina.
Sa mga nais mag-apply at magrenew umano ng kanilang passport at iba pang serbisyo, magfill-up lamang ng mga online forms at bibigyan ang mga ito ng schedule para sa kanilang appointment.
Maaari naman umanong bayaran ang kanilang passport online at ipadeliver sa kanilang mga bahay gamit ang mga courier services.