Nagpaabot ng pagbati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa bagong talagang Secretary of State sa Estados Unidos.
Kasunod ito ng pagsibak ni US President Donald Trump kay Rex Tillerson bilang Secretary of State dahil sa malimit na pagkontra sa kanya.
Kumpiyansa ang DFA na mas magiging mahigpit ang kooperasyon at pagtutulungan ng Pilipinas sa pamamagitan ng bagong talagang Secretary of State na si Mike Pompeo na hepe rin ng CIA o Central Intelligence Agency.
Kasabay nito ay pinasalamatan rin ng DFA si Tillerson sa suporta at pagkakaibigan na ipinagkaloob nito sa Pilipinas sa mga panahong nahaharap sa pagsubok ng relasyon ng dalawang bansa.
—-