Nagpaabot nang pakikiramay sa buong Japan si Department of Foreign Affairs secretary Enrique Manalo kasunod nang pagpanaw ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Sa Twitter post ng DFA kahapon, ipinaabot ng kalihim ang pakikisimpatya sa naiwang pamilya ni Abe.
Kasama ang mga Pilipino, tiniyak ni Manalo ang mataas na pagpupugay kay Abe dahil sa nagawa nito noon para sa mabuting ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Tiniyak naman ng opisyal ang pagdarasal sa ganitong trahedya.
Si Abe ay isinugod pa sa ospital kahapon matapos mabaril habang nagta-talumpati.
Pero binawian na ito ng buhay matapos maranasan ang “State of Cardiopulmonary Arrest” o pagkawala ng hininga at pagtigil nang pagtibok ng kaniyang puso.