Nagpahayag ng pakikiramay ang DFA o Department of Foreign Affairs sa pamilyang naiwan ng isang OFW o Overseas Filipino Worker na napatay sa Slovakia.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, namatay si Henry John Acorda matapos na bugbugin at pagsisipain ang ulo nito ng dalawang Slovenian noong Biyernes, Mayo 31.
Binalingan ng galit si Acorda matapos niyang idepensa ang ilang babaeng binabastos ng dalawang lokal.
Kinumpirma ni Cayetano na dumating na sa naturang bansa ang ilang kaanak ni Acorda upang alalayan at tutukan ang mabilis na pag papauwi sa bangkay.
Siniguro naman ni Cayetano na gagawin ng gobyerno ang lahat upang mabigyan ng hustiya ang pagkamatay ni Acorda.