Nagpahayag ng suporta ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga opisyal ng Russia matapos masunog ang embahada sa Makati City.
Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan ang departamento sa mga otoridad upang mapamabilis ang imbestigasyon sa insidente .
Gayunpaman, tiniyak ng DFA sa embahada ng Russia na magagawa nila ang kanilang mga tungkulin nang walang banta sa host government na naaayon sa ilalim ng Vienna Convention on Diplomatic Relations.
Samantala, sinabi ng DFA na ang embahada ay nagsasagawa ng mga hakbang upang matiyak ang integridad at seguridad ng lugar at ang mga ari-arian sa loob. —sa panulat ni Kim Gomez