Patuloy na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Youtube Headquarters sa San Bruno California kasunod ng naganap na pamamaril na ikinasugat ng tatlo katao.
Batay sa paunang report ng DFA, wala namang nadamay sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Youtube Headquarters dahil agad nakapagtago ang mga ito nang magsimulang mamaril ang isang babaeng suspek.
Sa ngayon ay bumalik na umano sa normal ang sitwasyon sa Youtube Headquarters.
Matapos makabaril ng tatlo katao ay nagpakamatay rin ang babaeng suspek na hindi pa kinikilala.
Sinasabing isa sa tatlong binaril ng suspek ay kanyang karelasyon kaya’t doon nakatutok ngayon ang imbestigasyon.
—-