Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Guatemala kaugnay ng pagputok ng bulkang Fuego doon.
Ayon sa DFA, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Mexico sa mga pinuno ng Filipino community sa Guatemala para malaman kung may mga Pilipinong nangangailangan ng anumang tulong.
Batay sa tala ng DFA, nasa dalawandaang (200) Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Guatemala.
Sa kasalukuyan, nasa siyamnapu’t siyam (99) na ang nasasawi sa pagputok ng Fuego volcano.
—-