Patuloy na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pinoy kasunod ng malawakang pagbaha sa South Korea dahil sa walang tigil na pag-ulan sa nakalipas na walumpung taon.
Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita “Tess” Daza, walang pilipinong naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Central Seoul kung saan, tinututukan din nila ang mga karatig lugar nito tulad ng Incheon at Gyeonggi.
Sinabi ni Daza na nananatiling bukas ang embahada ng Pilipinas sa Korea, para magbigay ng agarang tulong at ayuda para sa mga pilipinong nangangailangan ng tulong sa mga lugar na apektado ng pagbaha.