Tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs na may nakalatag na silang contingency plans para sa mga repatriation ng mga Pilipino Sa Japan sakaling atakehin ito ng North Korea.
Ayon kay DFA Spokesperson Asec. Rob Bolivar, patuloy na nirereview at inihahanda ng Philippine Embassy sa Japan ang mga kinakailangang hakbang para mailigtas ang mahigit 200,000 mga Pilino sa nasabing bansa sa posibleng pag-atake ng North Korea.
Kabilang aniya rito ang katatapos na civil protection forum ng embahada sa Japan para konsultahin at payuhan ang mga Pilipino roon na manatiling nakaalerto at sumunod sa national warning system ng nasabing bansa.
Una nang pinagbantaan ng North Korea ang Estados Unidos na pupulbusin ito at ang Japan na palulubugin ang apat na pangunahing isla nito matapos ang pagpapataw ng sanction ng UN-Security Council.
SMW: RPE