Patuloy na inaalam ng Department of Foreign Affairs o DFA kung may mga Pilipino na nadamay o nasugatan sa pamamaril sa isang eskwelahan sa Indiana sa Estados Unidos.
Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na ang konsulada ng Pilipinas sa Chicago sa mga awtoridad at Filipino community kaugnay sa nangyaring ‘shooting incident’ sa Noblesville West Middle School sa Hamilton County na ikinasugat ng dalawang katao.
Batay sa tala ng DFA , nasa 17,000 Pilipino ang nakatira at nagtatrabaho sa Indiana.
Samantala, naka-monitor naman ang konsulada ng Pilipinas sa Toronto sa Canada kaugnay sa naganap na pagsabog sa isang local Indian restaurant sa Mississauga sa Ontario kung saan nakatira ang nasa 40,000 mga Pilipino.
—-