Nadagdagan ang listahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng 80 Pilipino na dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) abroad nitong Huwebes.
Dahil dito, sumirit na sa 14,759 ang kabuuang bilang ng kompirmadong kaso sa mga Pinoy na nasa ibang bansa at 4,498 sa mga ito ay patuloy pa ring nagpapagaling.
Habang nadagdagan naman 35 recoveries ang tala ng DFA dahilan upang umabot sa 9,273 ang numero ng lahat ng gumaling.
Sa kasamaang palad, siyam ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nagresulta upang umakyat sa 988 ang kabuuang bilang nang nakitil ng naturang virus.—sa panulat ni Agustina Nolasco
18 February 2021
The DFA received reports confirming 80 new COVID-19 cases, 35 new recoveries, and 9 new fatalities…
Posted by Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines on Thursday, 18 February 2021