Tumaas sa 14,671 ang bilang ng mga Pilipinong dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nasa ibang bansa matapos makapagtala ng 13 kaso ngayong lunes ang Department of Foreign Affairs.
Habang 9,231 mula sa bilang na ito ay gumaling na at 4,461 naman ang patuloy pang nagpapagaling.
Samantala wala namang naitalang nasawi ngayong araw ang DFA at nanatili sa 979 ang kabuuang bilang ng lahat ng namatay dahil sa COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco
15 February 2021