Nakatakdang makipag-usap ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa walong miyembro ng Kuwaiti delegation na darating sa bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang magiging sentro ng kanilang pagpupulong ay para sa kasunduan na magbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sinabi ni Cayetano na kanilang inaasahang ito ang magiging daan para maayos na ang naging gusot sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait dahil sa mga pang-aabuso sa mga OFW.
Nabatid din umano ng kalihim na marami palang umiiral na kasunduan ang Pilipinas sa ibang bansa para sa mga OFW, ngunit hindi ito nabibigyan ng atensyon at maayos na naipatutupad.
Nais aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging iba ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
—-