Pauuwiin na ang mga Pilipinong na-stranded sa Romania.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, na nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad ng romania ang embahada ng Budapest at Berlin para maiuwi na ang mga Pilipino mula sa red list country.
Umaasa naman ang DFA na mapapabilis ang nasabing repatriation.
Bukod sa mga pilipinong nastranded sa nasabing bansa kasama rin nila ang Filipino E-Sports players na lumaban sa International DOTA 2 Championships.