Binabantayan ng DFA o Department of Foreign Affairs ang kaso ng 20 Pilipinong tauhan ng isang oil tanker kasama sa mga inaresto Libyan Navy.
Ayon sa DFA, inatasan na nila ang embahadang pinakamalapit sa Libya upang i-monitor ang sitwasyon at tulungan ang mga Pilipinong pinipigil ngayon sa Libya.
Pinigil ng Libyan Navy ang oil tanker na pag-aari ng isang Greek company sa hangganan ng karagatan ng Libya at Tunisia dahil sa hinalang puslit o smuggled ang dalawa nitong 6 na milyong litro ng langis.
Napag-alamang dinala na sa Tripoli ang 20 Pinoy at iniharap sa prosecutor general.
By Len Aguirre