Nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate General sa Toronto, Canada sa Filipino community doon para alamin kung may Pinoy na nadamay sa aksidente na ikinasawi ng sampu katao at ikinasugat ng marami.
Ayon kay DFA spokesperson Elmer Cato, patuloy na nangangalap ng impormasyon ang konsulada.
Hanggang sa ngayon ay wala pang inilalabas ang Toronto police ng mga pangalan mga biktima.
Panawagan ni Cato sa mga Pinoy sa Canada na ipagbigay alam agad sa kanila kung may mga kababayan tayong kabilang sa casualties.
Una rito, inararo ng van ang mga taong naglalakad sa isang sidewalk kung saan ay naaresto naman ang drayber matapos ang insidente.