Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa National Bureau of Investigation kaugnay sa alegasyon ng katiwalian sa passport appointment system ng D.F.A.
Aminado si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na posibleng mayroong may mga kasabwat na sindikato ang ilang DFA personnel at travel agencies pero mabeberipika lamang nila ito sa tulong ng N.B.I.
Sa launching ng mga bagong passport na mayroong sampung taong validity, inihayag ni Cayetano na imposible para sa mga D.F.A. personnel na mangikil sa mga Overseas Filipino Worker sa pamamagitan ng appointment system lalo’t saklaw din sila priority lane.
Sa ilalim ng bagong sistema, inalis ng kagawaran ang isanlibo dalawandaang slots na inilalaan kada araw para sa mga travel agency upang mawala na ang mga fixer.
Inuulan ng reklamo ang D.F.A. Mula sa mga passport applicant na bigong makapag-pa-schedule dahil fully book na ang online appointment.