Nakikiusap na si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa mga Pilipino sa Libya na mag evacuate na at magtungo sa Philippine Embassy doon dahil sa tumitinding karahasan sa nasabing bansa.
Sa gitna na rin ito nang pahayag ni Charge De Affaires ng Philippine Embassy to Libya Elmer Cato sa 60 pinoy na nagtatrabaho sa Ali Omar Ashkr Hospital sa Esbea at kanilang dependents para mag evacuate na kaagad.
32 pinoy sa Libya ang nai repatriate na sa bansa simula nang pumutok ang karahasan sa Libya noong April 4.
Nabatid na sa kabila ng paulit ulit na apela, maraming Pilipino ang patuloy na nakakapit sa kanilang mga trabaho at natatakot umuwi ng Pilipinas dahil wala silang pagkakakitaan dito.
Tiniyak ng DFA ang patuloy na pagkakasa ng voluntary evacuation kasabay ang panawagan sa mga kaanak ng mga Pinoy sa Libya na kumbinsihin ang mga ito na bumalik na sa Pilipinas dahil wala pang senyales na huhupa ang tensyon sa Libya.