Magkakaroon ng “maximum protection” ang mga Pilipinong nasa Kuwait, ito ang binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay upang mabawasan ang pag-aalala ng migrant community sa Gulf Nation matapos ang biglaang pagsuspinde ng mga bagong entry visa para sa mga Pilipino.
Iginiit ni DFA Spokesperson Tessie Daza na sosolusyunan ng ahensya ang nasabing isyu at po-protektahan ang mga kababayan na nagtatrabaho sa naturang bansa.
Matatandaang nag-ugat ang suspensiyon matapos umanong labagin ng Pilipinas ang ilang mga kasunduan kabilang na ang rescue operation na magpapalaya sa mga manggagawang Pilipino mula sa kanilang abusadong employer.