Nanindigan ang Department of Foreign Affairs na ginawa nila ang lahat para matulungan ang mga undocumented OFW sa Qatar.
Ito ay kasunod ng mababang turn out ng mga OFW na nag avail ng amnesty program ng Qatar na nagpaso na nitong unang araw ng Disyembre.
Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose, na kasama sa kanilang ibinigay na ayuda ay ang pakikipag-tulungan sa pamahalaan ng Qatar para sa exit visas at pag-aayos ng travel documents ng mga undocumented OFWS.
By Katrina Valle