Nanindigan ang Department of Foreign Affairs na hindi maaaring isantabi ang tagumpay ng Pilipinas sa arbitration case ukol sa pinag-aawayang teritoryo laban sa China.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na inilatag ni Chinese President Xi Jinping na isantabi ang 2016 arbitration kapalit ang 60-40 na hatian sa gagawing economic activity sa naturang teritoryo.
Ayon kay Locsin, mananatiling final at binding ang naging ruling sa inetrnational tribunal.
Aniya, hindi ito maaring isantabi kahit pa naisin ng mga Pilipino dahil mananatili pa rin ang ruling na pumapabor sa bansa.
Una nang iginiit ng China na hindi nito kinikilala ang naging ruling ng international court at mananatili ang kanilang pag giit sa nine – dash line na sumasakop sa West Philippine Sea.