Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na hindi ibebenta ng Pilipinas ang mga property nito sa Japan.
Ito’y sa gitna ng plano ng gobyerno na magbenta ng mga ari-arian bilang alternatibong “source of funds.”
Sa Senate hearing, binigyang-diin ni Locsin na malabong mangyari ang balak na ibenta ang mga lupain dahil nagsisilbing memorial ang mga ito para sa mga Pilipinong nagbuwis ng buhay noong World War 2.
Ang mga property ay matatagpuan sa highly-urbanized at commercial area ng Tokyo at Kobe, Japan na na-acquire ng Pilipinas sa 1956 reparations agreement bilang danyos sa sinapit ng mga Pinoy sa Japanese imperial force noong World War 2.
Ilan sa ari-arian na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso ay kinatitirikan ng ilang government facility tulad ng Philippine Embassy sa Tokyo.—sa panulat ni Drew Nacino