Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-aari ng Pilipinas ang Benham Rise.
Tugon ito ng DFA kaugnay ng naging pahayag kahapon ng China kung saan iginigiit ng dayuhang bansa na ang Benham Rise ay bahagi ng kanilang 200 nautical mile exclusive economic zone.
Muling binigyang diin ni DFA Spokesman Charles Jose na hawak ng Pilipinas ang karapatang soberanya at hurisdiksyon sa naturang extended continental shelf ng bansa.
Sinabi ni Jose na malayang makakapaglayag ang mga dayuhan sa Benham Rise sang-ayon sa freedom of navigation at right of innocent passage.
Pero, tanging ang Pilipinas lang aniya ang maaaring gumamit sa resources ng Benham Rise.
By Ralph Obina